Boto ay pahalagaan, dito nakasalalay ang ating kinabukasan
Sa ating mundong ginagalawan hindi lahat ng mga tao ay maaasahan lalo na sa politika. May mga balat kayo lamang na pwedeng maging sanhi ng pagkasira ng ating bayan, bilang isang mamamayan tayo dapat ay bomoto ng tama at siguraduhing may kakayahang mamuno ng ating bansa. Bilang isang mamamayan tayo ay dapat mag isip ng tama at makakabuti sa ating bayan, huwag mag pasilaw sa salapi at mga kayamanan na inaalok saatin ng mga politiko. Sa ating modernong panahon, nagiging moderno nadin ngayon ang pangangampanya sa politika. Marami na ang mga makabagong kagamitan tulad nalamang ng mga gadgets, radyo, at telebisyon dahil dito mas napapadali na ang mga interaksiyon sa mga ibat ibat tao, maaari itong magamit sa pangangampanya. Ito rin ay pwedeng gamitin sa pag iimpluwensya ng mga tao upang siya o ikaw ay iboto. Marami ng paraan upang mangampanya, hindi man direkta ang pangangampanya sa mga tao alam naman natin kung ano-ano ang mga hangarin ng mga kandidato. Ang Pilipinas ay isang bansa na lumal...