Boto ay pahalagaan, dito nakasalalay ang ating kinabukasan
Sa ating mundong ginagalawan hindi lahat ng mga tao ay maaasahan lalo na sa politika. May mga balat kayo lamang na pwedeng maging sanhi ng pagkasira ng ating bayan, bilang isang mamamayan tayo dapat ay bomoto ng tama at siguraduhing may kakayahang mamuno ng ating bansa. Bilang isang mamamayan tayo ay dapat mag isip ng tama at makakabuti sa ating bayan, huwag mag pasilaw sa salapi at mga kayamanan na inaalok saatin ng mga politiko.
Sa ating modernong panahon, nagiging moderno nadin ngayon ang pangangampanya sa politika. Marami na ang mga makabagong kagamitan tulad nalamang ng mga gadgets, radyo, at telebisyon dahil dito mas napapadali na ang mga interaksiyon sa mga ibat ibat tao, maaari itong magamit sa pangangampanya. Ito rin ay pwedeng gamitin sa pag iimpluwensya ng mga tao upang siya o ikaw ay iboto. Marami ng paraan upang mangampanya, hindi man direkta ang pangangampanya sa mga tao alam naman natin kung ano-ano ang mga hangarin ng mga kandidato.
Ang Pilipinas ay isang bansa na lumalaganap ang korapsyon, kaya nararapat lamang na ang bibigyang kapangyarihan o iboboto ay may determinasyon na maglingkod sa ating bayan o bansa. Ang hinahanap ng ating bansa ay ang taong may kakayahang mag likod o mamuno ng tama, kayang gumawa ng mga solusyon sa mga problema na kinakaharap ng ating bansa kung hindi man solusyon mapaliit o mabawasan lamang ang mga problemang kinakaharap ng ating bansa. Bomoto ng may kamalayan sa pagiging isang pinuno ng ating bansa hindi ang pag papakitang tao lamang at sa una lang magaling.
Sa kabuuan, ngayong modernong panahon madami ng ang paraan sa pangangampanya tulad nalamang ng teknolohiya na nag papadali ng pag bibigay ng impormasyon at mga hangarin ng mga kandidato. Kaya't bilang isang mamamayan tayo dapat ay maging mulat at maging matalino sa ating pag boto dahil saatin nakasalaylay ang magiging pinuno ng ating bansa.
"Ang Pilipinas ay isang bansa na lumalaganap ang korapsyon" SOUR TRUETH 💯
ReplyDeleteGanda ng pagkaka bahagi ng impormasyon sa blog na ito nice one
ReplyDeleteAyos ang blog na iyong ginawa, upang mamulat ang mga tao sa tamang tao upang maluklok sa politika.
ReplyDeleteMahusay! Nailahad nang maayos ang mga mensaheng nais iparating dito sa blog na ito at mahusay din ang paggamit ng wika sa paglalahad ng impormasyon at mensahe. Pagbutihan pa!👏🏻
ReplyDeleteSang-ayon ako sa iyong mga sinabi. Sa panahon ng makabagong teknolohiya, dapat din nating pag-isipan kung paano natin mapapabuti ang ating mga sistema ng pagboto upang mas maging transparent at mapanagot ang mga namumuno.
ReplyDeleteMahusay na naibahagi ang mga mensaheng nais iparating sa mga mambabasa. Kapupulutan ng aral. Ang mga impormasyon ay detalyadong ipinaliwanag.
ReplyDeleteMakakatulong ito upang makapagbigay inspirasyon at makaimpluwensya sa bawat indibidwal na gumawa ng aksyon para sa ikabubuti ng karamihan. Ipinakita rin dito ang kahalagahan ng tamang pagpili sa taong iyong iboboto o iluluklok bilang pinuno ng bansa sa kabila ng patuloy na pagbabago at modernisadong mundo.
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteNapakahusay! Maayos mong nailahad ang gusto mong iparating.
ReplyDeleteNapakahusay mo gumawa ng blog, talagang nakakaakit ng mambabasa. Naipapahayag ng maayos ang impormasyon, talagang nakakawili tingnan at mas naiintindihan ng mambabasa mahusay!
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteNagustuhan ko ang blog na iyong ginawa dahil nagpahayag ito ng kahalagahan ng matalinong pagboto at pagiging mulat sa mga pangako at kakayahan ng mga kandidato sa panahon ng modernong pangangampanya.
ReplyDeleteMaganda ang pagkakagawa ng blog na ito, nagustuhan ko at naipahauag mo nang maayos ang mga impormasyon
ReplyDeleteNapakahusay ng pagkakasulat ng iyong blog, maayos at malinaw mong naiparating ang kahalagahan ng pagiging matalino sa pagboto ng ating mga lider at pagiging mulat sa panahon ng kanilang pangangampanya.
ReplyDeletenailahad ng blog ang kahalagahan ng matalinong pagpili ng mga lider, na nagbibigay inspirasyon sa mga mambabasa na maging aktibong mamamayan at magbigay ng kontribusyon sa ikabubuti ng lahat.
ReplyDeleteNapaka husay ng iyong blog malinaw at madaling mainitindihan ng mga mambabasa, at higit sa lahat kapupulotan ito ng aral.
ReplyDeleteMaganda ang pagkakagawa ng blog, nailahad ang mga impormasyong dapat na malaman ng mga tao para sa pagpili ng magiging lider lalo na ngayong paparating ang halalan sa susunod na taon.
ReplyDeletemahusay! maganda ang pag-kakagawa ng blog na ito, marami akong natutunan.
ReplyDeleteMarami sa mga pulitiko ay gumagamit lang ng matatamis na salita gaya na lamang ng pag unlad ng bayan ngunit sila pala yung uunlad,dapat ang iboboto ay karapat dapat na mamuno wag kakagat sa matatamis nilang salita
ReplyDeletenapaka ganda at napakalinaw ng pagkakagawa nito at maraming mambabasa ang maaaliw sa blog na ito napakahusay!!
ReplyDeletenapaka ganda at napakalinaw ng pagkakagawa nito at maraming mambabasa ang maaaliw sa blog na ito napakahusay!!
ReplyDeleteMahusay! Nailahad nang maayos ang mga mensaheng nais iparating dito sa blog na ito at mahusay din ang paggamit ng wika sa paglalahad ng impormasyon at mensahe. Pagbutihan pa!
ReplyDeleteMaganda ang iyong blog tama at dapat nating pahalagahan ang ating boto dahil hindi lahat ng nakaupo ay maasahan
ReplyDeletemaganda ang pag kaka ayos ng iyong blog at na ibahagi mo ng ma iga ang nilalaman neto
ReplyDeletedapat maging bukas ang lahat sa mensahe ng blog na ito, at ito ay mabasa ng lahat.
ReplyDeleteMaganda ang nilalaman ng blog, maraming tao ang magugustuhan na basahin iyan
ReplyDelete